Pacman Jokes

Friday, March 12, 2010 10:00 AM

On the eve of Manny Pacquiao's fight with Clottey. Here are some Pacman jokes.

**********************

Genie: Bibigyan kita ng isang kahilingan.

Aling Dionisia: Talaga?...gusto ko gumanda!

Genie: Buksan mo ang bote.

Aling Dionisia: At gaganda na ako?

Genie: Hindi. Babalik na lang ako.

------------ --------- --------- --------- --------- --------

Pacman: Sabi ng titser ko, bakit daw ang eggplant walang egg?

Aling Dionisia: Sabihon mo sa titser mo, na pag me egg yun, turta na yan, TURTA!

------------ --------- --------- --------- --------- --------

Reporter: Nung nanalo ka Manny, anong pasalubong mo kay Jinkee?

Manny: Ibon syempre. Mahilig sya dun e.

Reporter: Ibon? Anong klaseng ibon?

Manny: Yung mga lipstek, pangmik up ba? Basta mga Ibon products! Yo know!

------------ --------- --------- --------- --------- --------

Dionesia: Doc gusto ko magpalagay ng breast.

Doctor: (gulat) magpapa-sexsi ka na?

Dionesia: Breast sa ngipen ba. Para umayos yun ngepen ko! Deba uso yon?

------------ --------- --------- --------- --------- --------

Pacquiao: Wala, talo ka na kahit anung gawin mo..

Hatton: Pagandahan na lang tayo ng nanay!

Pacquiao: Ah! Wala namang ganyanan. I mean you know!

------------ --------- --------- --------- --------- --------

Aling Dionisia: Inday, akina nga yung seeds ko.

Inday: Bakit po magtatanim po ba kayo?

Aling Dionisia: Anung magtatanim sinasabi mo? Nasisilaw ang mata ko kaya kailangan ko yung seeds.

---------- ---------- ---------- --------- --------- ----------

Jinky: Manny, kung magkakaanak ulet tayu anu magandang name?

Manny: Hmm. Eh di combine na lang name natin... MANKY......

---------- ---------- ---------- --------- ---------- ----------

Aling Dionisia: Gusto ko naman pag nagka-anak kayo uli ni Jinky, di lang pangalan nyo pagsasamahin. Dapat kasali din pangalan ko.

Manny: Oo naman nay, kasu midyu mahirap yun.

Aling Dionisia: Hindi ah, may naesep na nga ako eh.

Manny: Talaga 'nay? Anu?

Aling Dionisia: DIOMANJI (dionisia-manny- jinky) yuk!

--------- ------- -------- --------- --------- ---------

Pacquiao: Honey, buksan mo na yung sweets.

Jinky : Lambing mo talaga. mwah !! Nasan ang sweets honey?

Pacquiao: Yung sweets ng ilaw. di ako makakita, ang dilim!!

--------- ------- -------- ------- ------- -----------

Si Manny Pacquiao tumakbo sa pagka-Congressman sa Gen Santos ...

Reporter: Manny, anong masasabi mo sa peace and order sa inyong lugar sa Gen Santos ?

Manny: Ah, yun ba? uhmm...eh... ang masasabi kulang diyan ay....

Reporter: Ano..?

Manny: Ahh, kwan,...maraming Fish sa Gen Santos pero wala masyado umo-Order e.

--------- --------- -------- -------- -------- ----------

Freddie and Manny heart to heart talk

Manny: Pare, ba't naman hanggang ngayon wala ka pang syota? Wala ka pa bang napupusuan?

Freddie: Meron... Manhid ka lang!

--------- --------- -------- -------- -------- ---------

Noodle!! Noodle!! Noodle!!

- Manny Pacquiao sa Deal or No Deal

-------- ---------- -------- -------- --------- --------

Sa Las Vegas .....

Waiter: May I take your order, Madam?

Aling Dionisia: Soup

Waiter: Chicken, asparagus, noodle, fish or soup of the day?

Aling Dionisia: Soup drenks!

--------- ---------- --------- --------- ------- --------

Sa isang Birthday Party

Aling Dionisia: Blue!!! Blue!!! Blue the Kick!!!! nge!

--------- ---------- ------- --------- -------- --------

You is!' 'you is! you is!', sigaw ni Aling Dionisia pagdating sa Amerika... Andito na ako sa 'you is!'

-------- ---------- -------- --------- ------- ----------

Chavit: Manny, paki - acknowledge naman si 1st Gentleman, late dumating.. ayun kadadaan lang sa tabi ng ringside.

Manny: I would like to acknowledge the ARRIVAL OF THE LATE 1st GENTLEMAN WHO JUST PASSED AWAY!!

0 comments:

Blog Archive

Fresh Blogger Templates