Ahente kumatok at matapos pagbuksan ng may-ari ng bahay ay biglang kinalat ang tae ng kabayo sa sahig sabay sabing:
KAKAININ KO ITO KAPAG HINDI ITO MALINISAN NG AKING TINITINDANG VACUUM CLEANER SA LOOB NG ISANG MINUTO!
May-ari ng Bahay: KAINININ MO YAN LECHE KA! BROWN-OUT NGAYON!
=====================
Cop 1: Bakit po K-9 ang tawag sa malalaking aso, sir!
SUPT: Syempre pag tinawag mo silang K-10, hindi na sila aso
Cop 1: Ano na sila sir?
SUPT: Maliit na pusa.
======================
PEDRO: Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing aid. Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
JUAN: Wow, galing! Magkanong bili mo sa hearing aid?
PEDRO: Kahapon lang!
=======================
NENE: Nanay, mahalaga pala ang punctuation mark. Nakakalungkot kapag nawala.
NANAY: Aba , oo, anak! Mahalaga 'yun. Pero bakit nakakalungkot?
NENE: Kasi, si ate, iyak nang iyak. Dalawang buwan na raw siyang walang period.
========================
EUGENE: Pare, walanghiya 'yung mga kondoktor sa bus!
REGGIE: Bakit?
EUGENE: Ayaw akong papasukin sa bus! 'Yung iba, ang daming ibinebenta...mani, kasoy, puto, balot, itlog ng pugo, pinipig, chicharon, espasol, puwedeng pumasok!
REGGIE: Ano ba ang ibinebenta mo?
EUGENE: Papag.
========================
Boy: Nay may ulam ba?
Nanay: Tignan mo na lang dyan sa ref, anak.
Boy: Eh wala naman tayong ref, di ba?
Nanay: O, e di wala tayong ulam. Konting common sense naman dyan!
========================
Arab interview at US immigration:
Q: Your name please?
A: Abdul Aziz
Q: Sex?
A: Twice a week.
Q: I mean male or female?
A: Doesn't matter.... sometimes even with camel...
=========================
Sa iskol
TITSER: Class give me an example of a tag question.
JUAN: My titser is beautiful, isn't she?
TITSER: Very good..itagalog mo nga.
JUAN: Ang titser ko ay maganda, hindi naman di ba?
Joke Muna
Monday, September 12, 2011 12:08 PM
Filed Under: humor, jokes |0 comments
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment