Featured Post

3 Cost Effective Ways to Solve Metro Manila's Traffic Problem

Image
The Facebook page of ANC 24/7 is asking for its reader's suggestion on how to solve Metro Manila's traffic problem. This got me thinking, "what is the best way to solve Metro Manila's traffic problem?" It's easy to make suggestions, what's hard is the implementation and the cost of implementation. So what is the the best way to solve Metro Manila's traffic problem and the most cost effective solution? Punitive Fines Add caption First of all, any implementation will definitely cost money, a lot of money. The cause of the traffic mess is the people themselves so it's only right that those causing the traffic problem should be fined and the fine should hurt. That way, the fines will pay for the cost of enforcing the law. The fines should start at P500 and goes up every week if you don't pay it within 15 days. To enforce this and prevent people from ignoring the fine. It will be tied to their driver's license or car registr...

Pinoy Scam

Got this from an e-mail. Don't know if it's true. But you can't be too careful.

===================

Warning sa mga "Bakasyonistang OFWs, Balikbayan at sa lahat nating kamag-anak sa Pilipinas...

MAG-INGAT KAYO sa Metro Manila at sa ibang lugar sa Pilipinas

As received, I'd like to share this very important warning message for the hardworking fellow kababayans abroad who are going on vacation to the Philippines...

Mahalagang paala-ala sa ating mga kababayan na nagsisikap na makapagpundar ng salapi para sa kanilang pamilya.

Narito ang isa sa mga bagong karumaldumal na gawain ng mga bayarin na alagad ng batas para sila ay magkamal ng salapi sa masamang paraan.

Kung kayo ay kumakain sa anumang Food Court , restaurant o fastfood ay mag-iingat kayo sa ganitong scenario ..... habang kayo ay kumakain, may pwe-pwesto sa tapat ng lamesa nyo na isang tao (babae o lalaki) at ito ay magkukunwaring kakain din, kalimitan ang suot ay parang balikbayan din.

Gagamitin niya and kanyang cellphone at malakas na mag sasalita para makuha ang atensyon mo.

Bigla itong tatayo at a-akto na nagmamadali. Iiwanan niya sa table ang susi ng kotse nya. Dito ay dapat kang mag-isip ng mabuti dahil sa oras na kunin mo ang susi at ihabol sa labas ng fastfood o restaurant para iabot sa umalis na customer ay pagdating sa labas ay hindi mo na makikita ang taong ito. Pag-balik mo sa loob ng fastfood or restaurant, biglang may lalapit sayo na magpapakilalang pulis at sasabihin sayo na ikaw ay suspect sa carnapping, at bubulungan ka na huwag mag-ingay
at kailangang sumama sa labas dahil nandoon ang complainant, at may tatayo pa na apat na tao sa loob ng fastfood o restaurant at magpapakilalang mga intel agent. Dito ay malilito ka na at mapipilitan kang sumama sa labas.

ITO AY ISANG MALINAW NA FRAME-UP!

Kapag kayo ay nasa labas na, dito na magaganap ang pagpilit sayo na sumakay sa kotse nila upang ikaw daw dalhin sa presinto subalit dadalhin ka nila sa lugar na halos walang tao at doon ka tatakutin na ipa-pa-media at sasampahan ng kaso.

Ito na ang simula ng pag-alok nila sa iyo ng ibang option para hindi ka makasuhan. Ito ay ang pagbibigay mo sa kanila ng pera, una ay hihingan ka nila ng P500,000.00 hanggang sa makipag ne- gosiate ka sa kanila.

KAYA PO MGA KASAMANG MGA OFW, MAG-INGAT PO KAYO SA PAGMAMAGANDANG LOOB KAPAG NASA PILIPINAS. IWASAN PO NINYONG DAMPUTIN ANG ANO MANG BAGAY NA MAIIWAN NG MGA KUSTOMER NA AGAW-PANSIN.

IPAALAM PO NATIN ITO SA LAHAT NG ATING KASAMANG OFW AT MAGING SA MGA KAMAG-ANAK NATIN NA NASA PILIPINAS.

HINDI PO TAYO NAMUMULOT NG SALAPI PARA NAKAWIN SA ATIN NG MGA WALANG PUSONG NAGPAPAKILALANG ALAGAD NG BATAS ANG SALAPING ATING PINAGHIRAPAN, PATI PO ANG MAGANDANG PANGALAN NATIN AY KANILANG SISIRAIN.

Ito po ay nangyayari sa lugar ng Bulacan, Laguna, Antipolo, Bataan , at Quezon City ...

Comments

Popular posts from this blog

Manila - The most Beautiful City in Asia 1950's to the mid 1970's

Family Planning TVC 2014

Fernando Amorsolo - Biography and Paintings of the Philippines' First National Artist in Painting