Featured Post

3 Cost Effective Ways to Solve Metro Manila's Traffic Problem

Image
The Facebook page of ANC 24/7 is asking for its reader's suggestion on how to solve Metro Manila's traffic problem. This got me thinking, "what is the best way to solve Metro Manila's traffic problem?" It's easy to make suggestions, what's hard is the implementation and the cost of implementation. So what is the the best way to solve Metro Manila's traffic problem and the most cost effective solution? Punitive Fines Add caption First of all, any implementation will definitely cost money, a lot of money. The cause of the traffic mess is the people themselves so it's only right that those causing the traffic problem should be fined and the fine should hurt. That way, the fines will pay for the cost of enforcing the law. The fines should start at P500 and goes up every week if you don't pay it within 15 days. To enforce this and prevent people from ignoring the fine. It will be tied to their driver's license or car registr...

Tagalog Dictionary for the Rich and the Poor

Kung mayaman ka, meron kang "allergy".
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress".
Sa mahirap, "sira ang ulo".

Kung mayaman ka, "pneumonia" daw ang sakit mo.
Kung mahirap, "TB" yon.

Sa mayaman, "hyperacidity".
Kapag mahirap, "ulcer" dahil walang laman ang tiyan.

Sa mayamang "malikot ang kamay", ang tawag ay "kleptomaniac".
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan".

Pag mayaman ka, you're "eccentric".
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad".

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine".
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom".

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic".
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba".

Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "sun-tanned".
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga".

Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite".
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot".

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump".
Kapag mahirap ka, ika'y "tabatsoy" o "lumba-lumba" ...pag minamalas ka pa, "baboy".

Kapag mayaman, "fasting" ang hindi kumain.
Kung mahirap, "nagtitiis".

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay "socialite".
Kung mahirap ka, ikaw ay "pakawala" o "pok-pok".

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay "liberated".
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo "malandi".

Kapag mayaman, "misguided" o "spoiled" ka.
Kung mahirap ka, "addict" o "durugista".

Kung may pera ka, ang tawag sa iyo "single parent".
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo "disgrasyada".

Kapag mayaman ka at sexy, "fashionable" daw.
Kung mahirap, sigurado "GRO" o "japayuki" ka.

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, "vegetarian".
Habang kakaawa ang mahirap na "kumakain ng damo.".

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro.
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay "bastos!".

Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood".
Ang mga mahihirap ay "gumugurang".

Ang anak ng mayaman ay "slow learner".
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gung-gong".

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says, "masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking".
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom".

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang tawag sa iyo "expat".
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "contract worker".

Kung boss ka at binabasa mo ito sa office mo, "okay lang".
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay "nagbubulakbol"...

Comments

Popular posts from this blog

Manila - The most Beautiful City in Asia 1950's to the mid 1970's

Family Planning TVC 2014

Philippine Business Monopolies