Battle Of The Brainless

Friday, December 30, 2011 10:00 AM

Host: What "N" (narra) is the national tree of the Philippines?

Contestant: Niyog?

Host: Mas matigas pa diyan.

Contestant: (in a stronger-sounding voice and tone) NIYOG!!!


*********


Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?

Contestant: Sa back?

Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).

Contestant : Likod?

Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern name nito (RizalPark).

Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)


************


Host : Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?

Contestant : Banyo?

Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.

Contestant: Bubong?

Host : Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka- bikini.

Contestant : Beerhouse!


************


Host : Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?

Contestant : Lifebuoy?

Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan nito.

Contestant: Safeguard?

Host : Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.

Contestant: Safe Buoy?

Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.

Contestant: Ah, Mr. Clean!


************


Host : Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?

Contestant : Sirena?

Host: Hindi! Hindi ito babae.

Contestant: Siyokoy?

Host: Hindi ito lalake.

Contestant : Siyoke?


************


Host : What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines?

Contestant : Sunflower?

Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.

Contestant: Stork?
&nb sp;
Host : Hindi. Bulaklak sabi eh.

Contestant: Sitsarong bulaklak?

Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".

Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?

Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A",at kapangalan ng isang sikat na singer?

Contestant: Si...Sharon Cuneta!


************


Host : Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster(Eugene Torre) of Asia?

Contestant: Carole KING?

Host: Hindi, mas mababa sa king.

Contestant: Al QUINN?

Host : Hindi, tagalog ang apelyido niya.

Contestant : Armida Siguion-REYNA?

Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.

Contestant: BISHOP Bacani?

Host: Mas mababa sa bishop.

Contestant : Johnny MidNIGHT?

Host: Mas mababa sa Knight.

Contestant: Jerry PONS?

Host : Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung kahuli- hulihang piyesa na lang.

Contestant: Sylvia laTORRE!


************


Host : Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, may initials na N.A. (Ninoy Aquino)

Contestant : Nora Aunor?

Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".

Contestant: Guy Aunor?

Host: Hindi. Dati siyang Senador.

Contestant : Si Former Senator Guy Aunor?

Host: Hindi. Patay na siya.

Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!


*************


Host : What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines?

Contestant : Kuto?

Host: Hinde, clue: It tills the land.

Contestant: Kutong Lupa! (Bweset!)

0 comments:

Blog Archive

Fresh Blogger Templates