Featured Post

3 Cost Effective Ways to Solve Metro Manila's Traffic Problem

Image
The Facebook page of ANC 24/7 is asking for its reader's suggestion on how to solve Metro Manila's traffic problem. This got me thinking, "what is the best way to solve Metro Manila's traffic problem?" It's easy to make suggestions, what's hard is the implementation and the cost of implementation. So what is the the best way to solve Metro Manila's traffic problem and the most cost effective solution? Punitive Fines Add caption First of all, any implementation will definitely cost money, a lot of money. The cause of the traffic mess is the people themselves so it's only right that those causing the traffic problem should be fined and the fine should hurt. That way, the fines will pay for the cost of enforcing the law. The fines should start at P500 and goes up every week if you don't pay it within 15 days. To enforce this and prevent people from ignoring the fine. It will be tied to their driver's license or car registr...

Ang istorya sa likod ng R.F.I.D. scam - Kung May Sasakyan Ka, Makialam Ka

Someone forwarded this to me. I don't know how true it is, but knowing LTO, it probably is.

================

Noong 2007, ang kontrata ng STRADCOM sa computerization ng LTO ay nagtapos na. Subalit dahil nakasaad sa kontrata na "HAWAK NILA SA LEEG" ang LTO, dahil sa pagtatapos ng kanilang kontrata ay dadalhin nila ang mga computer hardware at software, at ang ititira ay ang DATA lamang, nanatili ang STRADCOM sa LTO. Patuloy sa paninigil ng COMPUTER FEE kahit na ang DATA ng bawat sasakyan ay naka-encode na at wala ng dapat pang i-build up o i-data entry. Patuloy ang pagkulekta ng STRADCOM ng bayad, dahil walang kumukwestiyon, sa ilalim ng ilong ng mga motorista.

Sa kabila nito, ang pamunuan ng DOTC at ng LTO ay humingi ng mas malaking "PARTE", ibig sabihin, patong, lagay, kickback, etc, dahil nga naman, tubong lugaw na ang STRADCOM dahil dapat tanggal na nga sila. Syempre pa, medyo nagpakipot ang pamunuan ng STRADCOM at nagmungkahi na magdagdag na lang ng mga singilin sa motorista dahil anila, mga bobo naman at hindi aangal. Kung may aangal man, kokonti lang dahil gaano na lang ba ang sisingilin eh minsanan lang naman ang bayaran isang taon. At anila, may pera ang mga motorista dahil naka-sasakyan nga. Dito na ipinatawag ng STRADCOM ang kanilang mga "money making" thinktank upang umisip ng mga paraan kung paano pa makaka-kolekta ng dagdag kita upang lalo pa silang magkamal ng salapi.

Unang pinalusot ay ang tinatawag na INTER-CONNECTION FEE daw. ito ay karagdagang P70.00 pesos kapag ikaw ay nagpa-smoke belching test. Napansin ba ninyo, bukod sa P350.00, eh may naka staple pang resibo na P70.00? Me narinig ba kayong angal? me umapila ba? wala di ba. e ano nga ba yung P70.00 peso eh naka Honda CITY ka naman. chicken feed!!!

YUN ANG BASIS NG STRADCOM, walang aangal dahil barya lang ang sinisingil nila. Naunawaan nyo ba kung ano yung inter-connection fee? Malay mo nga naman diba, nadale na kayo dun pero okay lang kayo kasi nga P70.00 lang.

Teka, 8 million registered vehicle X 70.00 = 560 million pesos na walang kahirap hirap. KADA TAON HA. Malaki din pala nadudugas namin sa inyo. Aangal na ba kayo?

Pero dahil mga buwaya nga, talagang walang kabusugan. Kaya pinulong ulit ng mga hunghang ang mga evil brains para utusan na, "Pigain na natin ng husto ang mga bobong motorista, bayad naman ng bayad eh". At dito na ipinanganak ang unang plano na "Car info sticker" kung saan didikitan ng sticker ang mga sasakyan, nakalagay dito ang mga detalye na makikita din naman sa "Certificate of Registration" o "CR", at sisingilin nila ng P300.00 yung sticker. Di syempre sangkatutak na angal ang inabot nila. Napigilan ito, hindi napatupad. Bulilyaso! eh kasi nga walang bahid High Tech. Mantakin mo nga naman na sticker lang tapos ang impormasyon eh nasa CR na din, hindi umubra.. Ipa-photocopy (reduced) na lang yung CR at idikit sa windshield, sabi ng mga pilosopo kaya na-abort yung evil plan number 1.

Pero hindi agad susuko ang evil brains ng STRADCOM, kailangang magmadali dahil dapat magkapera at ma-implement ng October. Na browse sa internet ng mga IT gurus ang tungkol sa RFID, at iminungkahi agad kahit na hindi pang vehicle talaga. Napagkasunduang, pwede, at inaprubahan agad. Ang siste, ang lalamanin lang ding impormasyon nito ay kung ano ang nakalagay sa CR, pero, may bahid high tech na, kasi R.F.I.D. na. Naintindihan nyo ba ibig sabihin ng RFID? Basahin nyo na lang sa last part.

Tatlong klase ang pwedeng gamit ng RFID:
1. sa simpleng paliwanag, parang tag lang ito, barcode or product code. na ang corresponding data or information ay mare-retrieve mo sa main computer gamit ang isang reader or scanner.
2. o kung ito ay may microchip, pwedeng mag store ng data dito at marere-trieve din ang data gamit ang isang reader.
3. at ang pinaka delikado sa lahat, na maaring gamitin laban sa mga motorista, PWEDE KANG I-TRACK ng ahensiya. RFID ang gamit sa mga producto sa mga dept stores na medyo mahal ang item at RFID din ang gamit sa mga cargo ng freight services.

Pero may pakinabang ba talaga tayo sa RFID kung ito ay gagamitin sa mga sasakyan? WALA. ang tunay na gamit ng RFID ay para sa PRODUCT TAGGING, INVENTORY, AT TRACKING. Sa mga producto para ma-track mo kung nasaan na yung location dahil kada daan nito sa isang area, nababasa ng reader ang RFID at alam na dumaan na ito. Maaaring naglalaman din ito ng info kung sino ang manufacturer, kung ano ang laman, timbang at kung saan ang destinasyon, dahil nakalagay na ito sa RFID o sa main database.

Alam ninyo, may malaking blunder ang kompanya namin dito eh, ang STRADCOM, dahil nag-implement kami ng information via TEXT lang kung saan ite-text nyo lang ang plate number, makukuha na information ng isang vehicle. Eh, imomodify lang namin yung info na binibigay ng TEXT project namin, at bigyan exclusivity sa mga enforcers lang ng LTO, nagawa na agad ang gustong gawin ng RFID System.

Di ko na nga lang masikmura ang kagarapalan ng mga amo namin na sobrang magpayaman samantalang kami ang tumatrabaho eh nangungupahan pa din kami ng bahay. Anak ng toklang, ibuking ko na lang di ba.

Eto itanong ninyo sa STRADCOM para mabuliyaso sila.

Bakit kelangan ng i-implement ngayong October?
1-kasi pinipiga sila ng isang mataas na opisyal ng LTO na tatakbo sa darating na halalan.
2-Kasi kung mapalusot nila ng October, tahimik ang november at December, pag dating ng January parang may basbas na dahil nga nasimulan na ng October. at dapat mag start na ngayong October, kasi pag sa January mag start, titirahin ng mga pulitiko, at baka tamaan pa ng ban.

Pag naka RFID ba, di na kelangan magpa stencil at magpa smoke belching pag magpapa rehistro?
Kelangan pa din. Ano yung sinasabi nilang mapapabilis na rehistro? For your info walang mase-save na time sa pagpapa-rehistro ninyo. same procedure.

ANG KATOTOHANAN:

HINDI MAPAPABILIS ANG TRAPIKO GAMIT ANG RFID (ipadetalye ninyo sa STRADCOM ito)

HINDI BIBILIS ANG REGISTRATION PROCESS NG IYONG SASAKYAN GAMIT ANG RFID (eto rin)

HINDI MAPIPIGIL NG RFID ANG MGA SMOKE BELCHERS (eto pa)

PWEDE KANG MA-TRACK KUNG NASAAN KA GAMIT ANG RFID SA IYONG SASAKYAN.

HINDI MAWAWALA ANG MGA KOLORUM GAMIT ANG R.F.I.D.

PWEDENG GAMITIN NG MGA KOTONG LTO ENFORCERS ANG R.F.I.D. (sasabihin lang ng LTO officer na sabi ng RFID hot car gamit mo)

Ang bottom line. WALANG PAKINABANG ANG CAR OWNER SA RFID, O MAGING ANG LTO. SIMPLE LANG ANG PURPOSE NITO: ISANG MONEY MAKING SCHEME ANG R.F.I.D DAHIL GENERALLY, NA SURMISE NAMIN NA ANG MGA OWNER NG VEHICLE AY WALANG PAKIALAM SA KANILANG BINABAYARAN DAHIL MAY PERA SILA, AT HANDANG MAGBAYAD KAHIT ANONG SABIHIN NAMIN BASTA HINDI NILA NAIINTINDIHAN TULAD NG R.F.I.D.

HANAPAN NINYO ANG STRADCOM NG PROJECT STUDY, COMMUNICATION DOCUMENTS, SYSTEMS STUDY, SYSTEM DOCUMENTATION, IMPLEMENTATION PLANS, APPROVAL NG NATIONAL COMPUTER CENTER, AT MAGING KRITIKAL KAYO SA DATES DAHIL SINISUMULAN [A LANG NILANG GAWIN ANG MGA ITO.

AT ILALABAN NILA ITO NG DIKDIKAN, MAGHABOL NA KAYO SA KORTE IKA NGA NILA. NAGSIMULA NA SILA NG COMMERCIAL SA TV DAHIL SA TINDI NG OPPOSITION DITO. KAILANGAN NILANG ILUTANG ANG STRADCOM. BAKIT SUMUGAL ANG STRADCOM AT INEXPOSE ANG KANILANG TAHIMIK NA OPERATION EH KUMIKITA NA NGA SILA NG WALANG INGAY? DAHIL SA 2.8 BILLION NA KIKITAIN SA PROYEKTO SA LOOB LANG NG ISANG TAON AT DAHIL SA PRESSURE SA TAAS NA I-IMPLEMENT NA ITO, PARA MAKUHA NA ANG PATONG.

Sabi nga ng ABS-CBN, AKO ANG SIMULA. Makialam tayo. Pigilin natin ang pagpapatupad nito. I-forward sa lahat ng kaibigan niyong may saksakyan at sana ay makarating sa inyong mga kongresista, sa mga senador, sa mga taga DOTC, taga LTO, at sa malacañang.

kung may oras ka pa, panoorin mo kung ano talaga ang gamit ng RFID

http://www.youtube. com/watch? v=yNPDgudPmXE& feature=related

http://www.youtube. com/watch? v=4Zj7txoDxbE& feature=related

http://www.youtube. com/watch? v=hPqUUR5OFJg& feature=related

http://www.youtube. com/watch? v=_Oa1GxctjRA

O kung gusto mo, mag youtube ka (alam mo ba kung ano ang youtube?) at i-search mo ang RFID

O, eto ang sabi ng wikipedia:

Radio-frequency identification (RFID) is the use of an object (typically referred to as an RFID tag) applied to or incorporated into a product, animal, or person for the purpose of identification and tracking using radio waves. Some tags can be read from several meters away and beyond the line of sight of the reader.

Most RFID tags contain at least two parts. One is an integrated circuit for storing and processing information, modulating and demodulating a radio-frequency (RF) signal, and other specialized functions. The second is an antenna for receiving and transmitting the signal.

There are generally three types of RFID tags: active RFID tags, which contain a battery and can transmit signals autonomously, passive RFID tags, which have no battery and require an external source to provoke signal transmission and battery assisted passive (BAP) which require an external source to wake up but have significant higher forward link capability providing great read range.

Today, RFID is used in enterprise supply chain management to improve the efficiency of inventory tracking and management.

eto naman ang sabi ng http://www.rfidjour nal.com/article/ articleview/ 1339/1/129/
Radio frequency identification (RFID) is a generic term that is used to describe a system that transmits the identity (in the form of a unique serial number) of an object or person wirelessly, using radio waves. It's grouped under the broad category of automatic identification technologies.

Auto-ID technologies include bar codes, optical character readers and some biometric technologies, such as retinal scans. The auto-ID technologies have been used to reduce the amount of time and labor needed to input data manually and to improve data accuracy.

Sana umunlad na ang pilipinas, tamaan sana ng kidlat ang lahat na magnanakaw sa Gobyernong ito at manatili ang mga matitino!

Comments

Popular posts from this blog

Manila - The most Beautiful City in Asia 1950's to the mid 1970's

Family Planning TVC 2014

Philippine Business Monopolies